Friday, January 18, 2013

Ginoong pasta


Scene 9: Ginoong Pasta
Tauhan: G. Pasta, Isagani, 
Props:
Location: Office ni G. Pasta.

Isagani: (papasok)
Pasta: (nagsusulat, tinignan niya si Isagani mula ulo hanggang paa) Ikaw pala Isagani! Maupo ka. Kamusta na si Florentino? May kailangan ka ba?
Isagani: Maraming salamat po. Mabuti naman po ang aking amain. (pause)
Pasta: Sige, pagpatuloy ka (flick wrist)
Isagani: Alam niyo na po ang balak naming mga estudyante magtayo ng Akademiya ng Wikang Kastila.
Pasta: Ito’y bayan ng plano at panukala!
Isagani: Nais po namin humingi ng tulong sa inyo upang mapakiling si Don Custodio sa amin.
Pasta: : Oo! (napakamot sa ulo) Walang makakahigit sa akin pagdating sa pag-ibig sa tinubuang lupa at paghahangad ng pagsulong, ngunit hindi maaaring sumulong ng ganun-ganon na lamang. Hindi ko alam kung batid ninyo ang aking kalagayan, isang kalagayang maselan; marami akong pag-aari, kailangang kumilos na may lubos na pag-iingat,,,
Isagani: Hindi po maaaring hangarin naming ilagay kayo sa kagipitan. Ngunit... kahit napaka-konti ang nababatid ko tungkol sa batas, mga kautusang –hari, mga lathala at mga kapasyahang umiiral sa ating bayan, ay inakala kong hindi magkakaroon ng kaamaan ang makitulong sa mga adhikain ng pamahalaan. Iisa lamang ang aming layunin at sa paraan lamang kami nagkakaiba.
Ginoong Pasta: Diyan nga ang suliranin, sa karaniwang sabi. Ang gumawa ng isang bagay na laban sa kanyang mga panukala ay makasusugat.
Isagani: Inakala ko na ang pamahalaan ay dapat humanap ng matibay na saligan.
Ginoong Pasta: (itinaas ang nakayukong ulo) Binata, nararapat na iwanan sa isang tabi ang mga hakbang na yan, sapagkat mapanganib. Dapat pagkatiwalaan ang pamahalaan.
Isagani: Sige na po! Naintindihan ko na ang nais ninyong sabihin... 
Ginoong Pasta: (may kung anong hinahanap si Ginoong Pasta)
Isagani: Kung ganon... (tumindig na) Mauuna na po ako!
Ginoong Pasta: Tsk tsk tsk (natigilan) Kaawa-awang binata! Ako man ay nagkaroon ng ganoong kaisipan. Ang tagumpay ay hindi nagbibigay ng kapanatagan sa kaisipan. Ang bawat bansa ay may sariling pagpapahalaga gaya ng pagkakaroon ng sariling klima at mga sakit. Kaawa-awang binata! Kung lahat ay nag-iisip na gaya niya, ay hindi ko sasabihing hindi... Kaawa-awang binata! Kaawa-awang Florentino!

Sinang


Simoun: (Papasok dala kahon ng alahas, lalatag sa mesa, kunin isang kwintas at ipakita) Mayroon akong kwintas na dati kay Cleopatra. Natagpuan sa mga piramide. (ilalabas mga singsing) meroon din akong mga singsing na dati ay pag-aari ng mga mambabatas ng Romano na natagpuan sa labi ng guho sa Cartago...
Kapitan Basilio: (tignan, nangangarap) Marahil yang ipinadal ni.. Hannibal matapos.. matapos ang digmaang Cannes.
Simoun: (Put away, bring out small box)  meroon din akong mamahaling hikaw na dating pag-aari ng babaeng taga-Roma na nakuha sa bahay liwaliwan ni Annio Mucio Papilino sa Pompeya. (show to K. Basilio)
Kapitana Tika: Ginoong Simoun? Mayroon din ba kayong rosaryong nabendisyonan ng Papa?
Hermana Penchang: At mga bagay na nanggaling Roma at mga padebosyo?
Sinang: Na sabi ni Inay nagbibigay ng siguradong kapatawaran kahit hindi ka mangumpisal!
Kapitana Tika: (kukurutin si Sinang) Sinang! Ano ka ba? Parang di ka dalaga!
Sinang: Inay naman..
Simoun: Ahh! Mayroon ako nang mga hinahanap niyo. (open box) Yan ang mga antigong alahas. Mga singsing dating pag-aari ni Prinsesa de Lambelle at mga hikaw sa dama ni Maria Antoinette.
Sinang: Ayy! Ang gaganda! 
Kapitana Tika: (kinurot si Sinang) 
Sinang: Aray! Inay naman..
Kabesang Tales: (nakatingin mula sa kalayuan)
Simoun: (nagtetempt) Tignan ninyo, ang isa lamang sa mga asul na batong ito, na parang walang malay ay matahimik, malilinis na tila bituing nagmumula sa kalangitan, kapag nairegalo sa tamang tao sa tamang pagkakataon, ang isang tao ay nakatitiyak na ang pagkabilanggo ng kanyang kaaway, ang ama ng isang pamilya na nanggulo sa kapayapaan ng lahat. At sa isa pang maliit na bating tulad nito, mapula, simpula ng dugo ng puso at pagkauhaw sa paghihiganti, singkinang ng luha ng ulila, na natamo ang kalayaan, naibalik ang ama sa tahanan, ang ama sa mga anak, at sa kayang asawa at ang buong pamilya’y nailigtas sa miserableng hinaharap. (tap the box, pabilis ng pabilis ang boses) Mayroon akong isang kahong katulad ng sa manggagamot na kinatataguan ng buhay at kamatayan, ng lason at ng lunas, at sa pamamagitan ng isang dakot nito ay mangyayari kong paluhain lahat ng mamamayan sa Pilipinas. (Lapit kay Kabesang Tales) Kayo wala ba kayong maipagbibili?
Kabesang Tales: Ang lahat ng alahas ng aking anak ay naipagbili na at ang natira ay wala nang gaanong halaga.
Sinang: At ang Agnos ni Maria Clara?
Kabesang Tales: Tama!
Sinang: Iyong ay isang laket na may brilyante at esmeralda, isinuot iyon ng matalik kong kaibigan bago siya namongha.
Kabesang Tales: (Pace)
Simoun: (sundan gamit mata and palakad lakad ni Tales, kalmado boses) Gusto ko ang disenyo. Magkano mo ipagbibili? (pause)Nagustuhan ko, ipagbibili mo ba ito ng limandaang piso? O ibig mong ipagpalit ng iba? Pumili ka...(pause) Limandaang piso? (nawawalan na ng pasensya) Limandaan!
Tales: (Kinuha ang locket, tinignan)
Sinang at Tika: (ipagbili na daw)
Hermana Penchang: (lumapit at tignan ang kwintas) ) Kung ako, itatago ko na lang yan. Ang mga nakakita kay Maria Clara sa kumbento ay nagsasabing siya’y payat na payat na, mahina at halos hindi na makapagsalita kayat ipinagpapalagay ng lahat na siya’y mamamatay na Santa. Mataas ang pagtingin sa kanya ni Padre Salvi, siya ang padre compesor niya. Iyon ata ang dahilan kung bakit ayaw ipagbili ni Huli ang agnos at pinili pa niyang isanla ang kanyang sarili.
Tales: Kung hihintayin ninyo ako, pupunta lang ako as bayan para makipagusap sa aking anak. Babalik ako bago dumilim.
(all leave except Simoun, wait in a chair, time lapse)
Simoun: (pupunta kunin ang revolver, none, Maria Clara’s locket there, letter)
Voice over:
Ipagpatawad po ninyo, na sa sarili kong tahanan ay pinagnakawan ko kayo, ngunit pangangailangan ang siyang nag-udyok sa akin. Ipinalit ko sa inyong rebolber ang laket na pinagmimithian ninyo. Kailangan ko ang sandata sapagkat ako’y sasama sa mga tulisan. Ipinapayo ko sa inyong umiba kayo ng landas sapagkat kung kayo’y mahulog sa aming kamay, sa dahilang wala na kayo sa aking tahanan, ay hihingan namin kayo ng malaking tubos. --- Telesforo Juan de Dios
Simoun: (tumatawa) At sa wakas ay natagpuan ko rin ang aking tauhan. (nagmadaling nagligpit at umalis)